Lexapro Side Effects Office Depot Coupons minoxidil Citalopram Side Effects atdhe.net Walmart Coupons Filma Me Titra Shqip kohls coupons bed bath and beyond coupon logos quiz answers Oneirokriths lowes coupon side effects of horoskopi ditor zwdia Citalopram oroskopos simvastatin omeprazole side effects omeprazole medical uses paixnidia click here side effects of metformin free games online bed bath and beyond coupons
Ka Bobby for Ombudsman: Dahil ang Punong Bantay ay di dapat bantay-salakay | Sangguniang Kabataan : Quezon Province
May 18, 2011

Posted by in Uncategorized | 4 Comments

Ka Bobby for Ombudsman: Dahil ang Punong Bantay ay di dapat bantay-salakay

Privilege speech delivered by BM Joana K. Martija, SK President/Ex-officio Board Member, during the Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan 16 May 2011.

“Kung walang corrupt, walang mahirap.” “Sama-sama tayo sa tuwid na daan.” Ang mga slogan na ito ang nagsilbing sasakyan ng pinaka-populary-elected President sa kasaysayan ng bansa patungong Malacanyang. Dahil ang malinaw na katotohanan – uhaw na sa pagbabago at mabuting pamamahala ang Sambayanang Pilipino.

Mr. Presiding Officer, my respected colleagues in this august chamber, fellow civil servants in the provincial government, members of the media, guests – a blessed Monday to all of us.

Habang ang lahat ay pre-occupied sa naging panalo ni Pacquiao – kasabay ng ating pagsasaya sa pagiging unbeatable ng pambansang kamao, o may halong disappointment kaya, dahil di nakipag-sabayan ang pinakahuli niyang biktima na si Shane Mosley – hindi pa rin natin dapat makalimutan ang mga mas importanteng concern ng ating bansa… lalo na ang kasiguruhan ng pananatili na Public Office is a public trust.

Mr. Presiding Officer, batid ng ating minamahal na Pangulong Noynoy Aquino, na ang Ombudsman ay may napakahalagang papel para tiyakin ang pagkakarooon ng mabuting pamamahala. Kamakailan po ay nag-resign na si Ombudsman Merceditas Gutierrez. Kaya di na matutuloy ang pagdinig sa Senado sa impeachment complaint laban sa kanya.

Mr. Presiding Officer, pansamantala pong ang over-all Deputy Ombudsman ang namamahala sa iniwang poder ni Ombudsman Gutierrez. Pagkakataon na po ito ng ating Kagalang-galang na Pangulo upang pumili ng isang Ombudsman na may mataas na integridad, di-mapapasubaliang kakayahan at natatanging katapatan sa bayan!

Isang karangalan po para sa kinatawan ng kabataan sa kapulungang ito na himukin ang aking mga kasama upang sama-sama nating i-endurso ang appointment ng ating kababayan – na alam kong idolo rin ng marami sa mga nanunungkulan ngayon sa ating lalawigan. Ang akin pong tinutukoy ay ang kagalang-galang na dating senador Atty. Wigberto “Ka Bobby” Tañada. Maaari pong higit na kilala ng mga naririto ngayon ang isang Ka Bobby Tañada – na matagal nang naging inspirasyon ng mga lingkod-bayan ng Quezon sa kanyang pagiging Senador, Kongresista ng ika-4 na distrito at advocate ng good governance. Pero sa akin pong payak na pagkakakilala – alam ko po na walang pinaka-akmang tao para maging bantay laban sa katiwalian – kundi ang ating kababayan na si Ka Bobby.

Mr. Presiding Officer, kung mamarapatin po ng aking mga kasamahan, hinihiling ko po na pagkaisahan natin ngayon ang sama-samang pag-endurso sa Judicial and Bar Council o JBC at sa ating minamahal na Pangulo, Kgg. Benigno Simeon C. Aquino – na hirangin si Atty. Wigberto Tañada bilang susunod na Ombudsman.

Kung wala pong pagtutol ang aking mga kasamahan, nais ko pong hilingin ang pansamantalang pagsuspindi ng ating Internal Rules upang bigyang-daan na maipasa ang isang KAPASIYAHAN na buong karangalang nag-e-endurso kay dating Senador Wigberto “Ka Bobby” Tañada bilang susunod na Ombudsman.

Mr. Presiding Officer, di ko po kabisado ang technicality kung pwedeng mag-nominate ang Sangguniang Panlalawigan sa JBC, baka po matutulungan tayo ng ating Secretary dito (bilang member of the Bar) – kung endorsement ba o nominasyon ang kailangan nating ipasa para sa JBC. Kung hindi po kasi pwede na nomination, ay dapat pa rin pong makarating sa JBC ang sintemyento ng mamamayan ng Lalawigan sa pamamagitan ng ating Sanggunian. At isang bukod na Kapasyahan na endorsement para sa Pangulo ng Republika.

Maraming salamat po.

Leave a Reply